RECIPES OF RESILIENCE: DOLE QUEZON’S GIFT OF LIVELIHOOD
- Oct 26, 2025
- 4 min read

On September 30, 2025, the Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE QPO) awarded livelihood packages to five aspiring entrepreneurs in the province, held at its office in Lucena City. The initiative, under DOLE’s Kabuhayan Program, aims to uplift disadvantaged workers and vulnerable groups by equipping them with sustainable means of livelihood. The beneficiaries included Cyril Landoy Caringal from Barangay Isabang, Tayabas City, who received a Kakanin Package worth P48,122; Evelyn Ocan from Barangay Talao Talao, Lucena City, who received a Lomihan Package worth P30,820; and three recipients of Karinderya Packages—Belinda Rema Gablanca and Lorena Ibalan Mercado from Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, and Norberto Bacan Maquiran from Barangay Balay Balay, Mauban, Quezon—receiving P42,855, P42,675, and P43,700 respectively.
Cyril, who once walked into the office DOLE QPO in search of opportunities, shared his dream of creating a small business he could manage from home. “Nais kong magkaroon ng maliit na negosyo o pinagkakakitaan kahit nasa bahay lamang. Magandang simula ito para sa akin dahil makakatulong ito upang madagdagan ang kita ng aking pamilya at mapaunlad ang aking kasanayan sa pagluluto,” he said with hopeful determination. His kakanin stall, positioned along a busy roadside, is envisioned not only to support his household but also to keep alive the tradition of local delicacies.
For Evelyn, the lomihan package is more than just capital—it is a lifeline. She explained, “Kung masipag ang operasyon at consistent ang kalidad, kayang kumita ang lomihan ng sapat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Malaking tulong ito para sa aming kabuhayan.”
The karinderya packages, given to parents of child laborers and a disadvantaged worker, symbolize DOLE’s fight against child labor while promoting entrepreneurship. As Belinda expressed with tears of gratitude, “Hindi lang puhunan ang ibinigay ng DOLE, kundi pag-asa na hindi na kailangang maghirap ang aming mga anak.” Lorena, deeply moved, added, “Ito ay biyayang hindi ko makakalimutan. Ang simpleng karinderya na ito ay magiging daan upang mabigyan namin ng mas magandang kinabukasan ang aming pamilya.”
These stories, gathered like ingredients of life, are served as a banquet of hope. Each livelihood package is not merely capital or equipment—it is a symbol of DOLE Quezon’s unwavering commitment to empower communities, sustain families, and break the cycle of poverty.
In every kakanin sold, every bowl of lomi served, and every meal prepared in a karinderya, beats the heart of resilience and the spirit of opportunity. And as DOLE Quezon continues to sow seeds of livelihood, one truth shines clear: when dreams are nurtured, communities thrive—and hope becomes a legacy.
MGA SANGKAP SA PAGBANGON: HANDOG-KABUHAYAN NG DOLE QUEZON
Noong Setyembre 30, 2025, iginawad ng Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE QPO) ang mga package ng kabuhayan sa limang nagsisimulang negosyante sa lalawigan, sa isang pagtitipon na ginanap sa kanilang tanggapan sa Lungsod ng Lucena. Layunin ng programang ito, sa ilalim ng DOLE Kabuhayan Program, na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawang kapos-palad at kabilang sa mga marhinalisadong sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangmatagalang pagkakakitaan.
Kabilang sa mga napagkalooban si Cyril Landoy Caringal mula sa Barangay Isabang, Tayabas City, na nakatanggap ng Kakanin Package na nagkakahalaga ng P48,122; si Evelyn Ocan mula Barangay Talao Talao, Lucena City, na tumanggap ng Lomihan Package na nagkakahalaga ng P30,820; at tatlong nakatanggap ng Karinderya Package—sina Belinda Rema Gablanca at Lorena Ibalan Mercado mula sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, at Norberto Bacan Maquiran mula sa Barangay Balay Balay, Mauban, Quezon—na tumanggap ng P42,855, P42,675, at P43,700 ayon sa pagkakasunod.
Si Cyril, na minsang naglakad patungo sa tanggapan ng DOLE QPO upang maghanap ng oportunidad, ay nagbahagi ng kanyang pangarap na magkaroon ng maliit na negosyong maaaring patakbuhin mula sa bahay. “Nais kong magkaroon ng maliit na negosyo o pinagkakakitaan kahit nasa bahay lamang. Magandang simula ito para sa akin dahil makakatulong ito upang madagdagan ang kita ng aking pamilya at mapaunlad ang aking kasanayan sa pagluluto,” ani Cyril na puno ng pag-asa. Ang kanyang kakanin stall, na nakapuwesto sa gilid ng abalang kalsada, ay hindi lamang inaasahang makatutulong sa kanilang tahanan kundi magsisilbing daan upang manatiling buhay ang tradisyon ng lokal na kakanin.
Para kay Evelyn, higit pa sa puhunan ang lomihan package—ito ay tulay ng kabuhayan. Ipinaliwanag niya, “Kung masipag ang operasyon at consistent ang kalidad, kayang kumita ang lomihan ng sapat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Malaking tulong ito para sa aming kabuhayan.”
Ang mga kuwentong ito, na tila mga sangkap ng buhay na pinagsama-sama, ay inihahain bilang isang piging ng pag-asa. Ang bawat tulong pangkabuhayan ay hindi lamang puhunan o kagamitan—ito ay sagisag ng matatag na hangarin ng DOLE Quezon na bigyang-lakas ang mga komunidad, suportahan ang bawat pamilya, at putulin ang tanikala ng kahirapan.
Sa bawat kakaning naibebenta, sa bawat mangkok ng loming naihahain, at sa bawat pagkaing niluluto sa isang karinderya, tumitibok ang puso ng katatagan at sumisiklab ang diwa ng oportunidad. At habang patuloy na nagtatanim ng kabuhayan ang DOLE Quezon, nananatiling malinaw ang isang katotohanan: kapag ang pangarap ay inaaruga, ang mga komunidad ay umuunlad—at ang pag-asa ay nagiging pamana.





Comments