DOLE QUEZON OPENS DOORS OF FREEDOM THROUGH TUPAD
- Oct 31, 2025
- 4 min read

Even behind iron bars, the human spirit yearns for freedom—not just the freedom to walk beyond the gates, but the freedom to dream again. This timeless truth came alive in Quezon Province as the Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE QPO) extended its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program to Persons Deprived of Liberty (PDLs), giving them renewed hope and purpose through dignified work.
On October 20, 2025, DOLE Quezon released a total of P78,400.00 in wages to 14 PDL-beneficiaries at the Probation Office, Hall of Justice, Gumaca, Quezon, followed by another payout amounting to P112,000.00 for 20 PDL-beneficiaries on October 23, 2025, at the Department of Justice Office, Barangay Comon, Infanta, Quezon. These payouts serve not only as financial assistance but as a symbol of inclusion—proof that every individual, no matter their past, deserves a chance to rebuild their future.
Through the TUPAD program, the beneficiaries were given short-term employment that fosters self-discipline, work ethic, and a sense of purpose. The wages they received may be used to support their loved ones or serve as their first small investment once they are reintegrated into society—transforming what was once confinement into a period of preparation and hope.
DOLE Quezon Officer-in-Charge Cristina H. Barayang highlighted the importance of the initiative, saying, “Empowerment is not bound by circumstance. Through the TUPAD program, we bring livelihood to those who need it most and remind every person that redemption begins with trust, effort, and hope.”
One PDL beneficiary expressed heartfelt gratitude, sharing, “Matagal ko nang pangarap na muling makaramdam ng tiwala sa sarili. Ang TUPAD ang nagbigay sa akin ng pagkakataong iyon. Ang natanggap kong sahod ay hindi lang pera—ito ay paalala na may pag-asa pa. Balang araw, kapag ako’y nakalaya na, gagamitin ko ito para makapagsimula muli para sa pamilya ko.”
By bringing the TUPAD program behind prison walls, DOLE Quezon has proven that freedom is not confined to open gates—it is found in every opportunity that restores dignity, purpose, and hope. And even behind iron bars, the human spirit continues to dream—and to believe—that tomorrow can be brighter than yesterday.
Because for DOLE Quezon, freedom begins when hope finds its way home.
DOLE Quezon, Nagbubukas ng Pintuan ng Kalayaan sa Pamamagitan ng TUPAD
Kahit sa likod ng rehas na bakal, patuloy na nananabik ang tao sa diwa ng kalayaan—hindi lamang ang kalayaang makalabas ng piitan, kundi ang kalayaang muling mangarap. Ang katotohanang ito ay muling nabuhay sa Lalawigan ng Quezon nang dalhin ng Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE QPO) ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), upang bigyan sila ng panibagong pag-asa at dignidad sa pamamagitan ng marangal na trabaho.
Noong Oktubre 20, 2025, ipinagkaloob ng DOLE Quezon ang kabuuang P78,400.00 na sahod sa 14 PDL-beneficiaries sa Probation Office, Hall of Justice, Gumaca, Quezon, kasunod ang isa pang TUPAD payout noong Oktubre 23, 2025 na nagkakahalaga ng P112,000.00 para sa 20 PDL-beneficiaries sa Department of Justice Office, Barangay Comon, Infanta, Quezon. Ang mga tulong na ito ay hindi lamang pinansyal na tulong, kundi sagisag ng pagtanggap at panibagong pagkakataon—patunay na ang bawat tao, anuman ang nakaraan, ay may karapatang muling itaguyod ang kanilang kinabukasan.
Sa ilalim ng programang TUPAD, nabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga benepisyaryo na nagpatibay sa kanilang disiplina, sipag, at layunin. Ang kanilang kinita ay maaaring makatulong sa kanilang mga pamilya o magsilbing unang hakbang tungo sa pagbangon sa oras ng kanilang paglaya—ang dating panahon ng pagkakapiit ay ngayo’y naging yugto ng paghahanda at pag-asa.
Binigyang-diin ni DOLE Quezon Officer-in-Charge Cristina H. Barayang ang halaga ng programa sa kanyang pahayag: “Ang tunay na kalakasan ay hindi nasusukat sa kalagayan ng isang tao. Sa pamamagitan ng TUPAD, ating pinatutunayan na may dignidad sa bawat paggawa at may pag-asa sa bawat pagkakataon.”
Isa namang PDL ang taos-pusong nagpasalamat at nagsabi, “Matagal ko nang pangarap na muling makaramdam ng tiwala sa sarili. Ang TUPAD ang nagbigay sa akin ng pagkakataong iyon. Ang natanggap kong sahod ay hindi lang pera—ito ay paalala na may pag-asa pa. Balang araw, kapag ako’y nakalaya na, gagamitin ko ito para makapagsimula muli para sa pamilya ko.”
Sa pagdadala ng TUPAD program sa loob ng mga piitan, pinatunayan ng DOLE Quezon na ang kalayaan ay hindi nasusukat sa bukas na pinto kundi sa mga pagkakataong nagbibigay ng dignidad, layunin, at pag-asa. Dahil kahit sa likod ng bakal na rehas, patuloy na nangangarap ang diwa ng tao—at naniniwalang ang bukas ay mas maliwanag kaysa kahapon.
Dahil para sa DOLE Quezon, ang tunay na kalayaan ay nagsisimula kapag ang pag-asa ay nakabalik na sa tahanan.





Comments