DOLE QUEZON EMPOWERS PDLS THROUGH ‘FROM DOUGH TO DREAMS’ PROJECT
- Oct 31, 2025
- 3 min read
Updated: Nov 22, 2025

Freedom may be confined within walls, but hope, like the scent of freshly baked bread, always finds its way to rise again. On October 20, 2025, the Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE QPO) awarded livelihood assistance worth P649,183.00 for the project “From Dough to Dreams: Empowering PDLs Through Baking” at the BJMP Lucena City Male Dormitory.
The initiative, launched in partnership with the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), and institutional buyers, aims to provide Persons Deprived of Liberty (PDLs) with sustainable livelihood opportunities, skill training, and renewed purpose through the art of baking.
The project underscores the power of collaboration among government agencies in upholding inclusive development, ensuring that even those behind bars are given the chance to rebuild their lives. Under the program, PDLs form the core workforce managing the daily operations of the bakeshop. Their tasks—from dough mixing and kneading to packaging and quality control—are strategically divided to maximize efficiency, nurture teamwork, and develop strong work ethics and discipline.
DOLE Quezon Officer-in-Charge Ms. Cristina H. Barayang emphasized the transformative value of the initiative, stating, “Empowerment knows no boundaries. This program serves as a bridge of hope for our PDLs, reminding them that every person, regardless of circumstance, deserves a second chance to work, learn, and live with dignity.”
One of the PDL beneficiaries shared with emotion, “Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, naramdaman kong muli na ang aking mga kamay ay nakagagawa ng isang bagay na mabuti. Ang pagkakataong ito ay nagbibigay sa akin ng pag-asa na balang araw, kapag ako’y malaya na, magagamit ko ang mga kasanayang ito upang makapagtayo ng mas magandang kinabukasan para sa aking pamilya.”
As the aroma of freshly baked bread filled the walls of BJMP Lucena, so did a renewed sense of freedom—a kind not measured by open gates, but by open hearts and opportunities. Because in every loaf that rises, so too does the promise of redemption.
DOLE Quezon, Pinalakas ang mga PDL sa Pamamagitan ng “From Dough to Dreams” Project
Maaaring limitado ang kalayaan sa loob ng piitan, ngunit ang pag-asa—gaya ng amoy ng bagong lutong tinapay—ay patuloy na bumabangon. Noong Oktubre 20, 2025, iginawad ng Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE QPO) ang tulong-pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P649,183.00 para sa proyektong “From Dough to Dreams: Empowering PDLs Through Baking” sa BJMP Lucena City Male Dormitory, Lucena City, Quezon.
Ang inisyatibang ito, na isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at mga institutional buyers, ay naglalayong bigyan ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng pangmatagalang kabuhayan, kasanayan, at bagong layunin sa buhay sa pamamagitan ng paggawa ng tinapay.
Ipinapakita ng proyekto ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang isulong ang inklusibong kaunlaran—na maging ang mga nasa loob ng bilangguan ay nabibigyan ng pagkakataong muling bumuo ng kanilang kinabukasan. Sa ilalim ng programa, ang mga PDL ang nagsisilbing pangunahing puwersa sa operasyon ng panaderya. Ang kanilang mga tungkulin—mula sa paghahalo ng masa, pagmamasa, pagbe-bake, hanggang sa pag-iimpake at pagkontrol sa kalidad—ay maayos na hinati upang mapataas ang kahusayan, mapalago ang disiplina, at maitaguyod ang pagkakaisa.
Binigyang-diin ni Ms. Cristina H. Barayang, Officer-in-Charge ng DOLE Quezon, ang makabuluhang layunin ng proyekto: “Ang pagbibigay-lakas ay walang hangganan. Ang programang ito ay tulay ng pag-asa para sa ating mga PDL—isang paalala na ang bawat tao, anuman ang kalagayan, ay karapat-dapat sa pangalawang pagkakataong matuto, makapagtrabaho, at mamuhay nang may dignidad.”
Isa sa mga PDL ang buong pusong nagpasalamat: “Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, naramdaman kong muli na ang aking mga kamay ay nakagagawa ng isang bagay na mabuti. Ang pagkakataong ito ay nagbibigay sa akin ng pag-asa na balang araw, kapag ako’y malaya na, magagamit ko ang mga kasanayang ito upang makapagtayo ng mas magandang kinabukasan para sa aking pamilya.”
Habang bumabalot sa hangin ang samyo ng bagong lutong tinapay sa loob ng BJMP Lucena, tila muling sumiklab ang damdamin ng kalayaan—isang uri ng kalayaang hindi nasusukat sa bukas na tarangkahan, kundi sa mga pusong muling natutong mangarap. Sapagkat sa bawat tinapay na umaalsa, kasabay nitong bumabangon ang pag-asa at pagtubos.





Comments