A SLICE OF HOPE: DOLE QUEZON BACKS BUKO ENTERPRISE THROUGH AMP
- 6 days ago
- 4 min read

On February 27, 2026, the Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE-QPO) formally released ₱280,050.00 under its Adjustment Measures Program (AMP) to the Ilayang Talim Agriculture Cooperative for the launch and strengthening of its “El Kapitan Buko Pie Production” project, a livelihood initiative designed to generate sustainable income for cooperative members and bolster community-based enterprise in the area. The assistance was received by Chairperson Manolito Leyola, Project Focal Person Mina Mendoza, and fellow officers and members, as DOLE Quezon moved to reinforce grassroots resilience through targeted financial and technical support—implemented through structured program orientation, turnover, and capacity-building guidance to ensure responsible utilization and long-term viability.
In a community where coconut trees sway as both symbol and sustenance, the humble buko pie has long been more than a local delicacy—it is a story of labor, patience, and shared aspiration. Through the AMP intervention, DOLE Quezon recognized the cooperative’s determination to transform local produce into a value-added enterprise, creating dignified work opportunities while responding to evolving economic pressures.
The ₱280,050.00 assistance will fund essential production equipment, raw materials, and operational inputs necessary to professionalize and scale “El Kapitan Buko Pie Production.” For members of the cooperative, many of whom rely on seasonal or informal sources of income, the project represents stability in uncertain times.
“This is not just about equipment or capital,” said Chairperson Leyola during the turnover. “This is about giving our members a real chance to stand on their own. We are deeply grateful to DOLE Quezon for believing in our capacity to grow.”
Project Focal Person Mendoza echoed the sentiment, emphasizing the inclusive nature of the initiative. “Through this support, we can provide opportunities for our members—parents, young workers, and community partners alike. Maraming salamat po sa DOLE Quezon. You have given us renewed hope.”
Beyond the ceremonial release of funds, DOLE Quezon underscored its continuing commitment to monitoring, mentorship, and program compliance to ensure that public resources translate into measurable social impact. The AMP framework, anchored in social protection and employment preservation strategies, enables vulnerable sectors and organized groups to adapt, recover, and thrive amid economic shifts.
By investing in community-led enterprise, DOLE Quezon reaffirms that public service is most powerful when it meets people where they are—nurturing initiative, strengthening collectives, and restoring confidence in shared progress.
As ovens begin to warm and the first batches of “El Kapitan” pies take shape, the aroma rising from Ilayang Talim carries more than sweetness—it carries proof that when government and community move together, opportunity is not just served. It is shared.
ISANG HIWA NG PAG-ASA:
DOLE QUEZON, SINUSUPORTAHAN ANG NEGOSYONG BUKO SA PAMAMAGITAN NG AMP
Noong Pebrero 27, 2026, pormal na naglabas ang Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE-QPO) ng halagang ₱280,050.00 sa ilalim ng Adjustment Measures Program (AMP) para sa Ilayang Talim Agriculture Cooperative bilang suporta sa paglulunsad at pagpapalakas ng kanilang proyektong “El Kapitan Buko Pie Production.” Layunin ng nasabing inisyatiba na makalikha ng sustenableng kita para sa mga kasapi ng kooperatiba at mapalago ang mga negosyong nakabatay sa komunidad sa lugar. Tinanggap ang tulong-pinansyal nina Chairperson Manolito Leyola, Project Focal Person Mina Mendoza, at iba pang mga opisyal at kasapi ng kooperatiba, kasabay ng pagpapatibay ng DOLE Quezon sa katatagan ng mga grassroots organizations sa pamamagitan ng target na suportang pinansyal at teknikal—na isinakatuparan sa pamamagitan ng maayos na program orientation, pormal na turnover, at capacity-building guidance upang matiyak ang wastong paggamit at pangmatagalang pagpapatuloy ng proyekto.
Sa isang pamayanang ang niyog ay hindi lamang tanawin kundi kabuhayan, ang buko pie ay matagal nang higit pa sa isang lokal na pagkain—ito ay kwento ng sipag, tiyaga, at kolektibong pangarap. Sa pamamagitan ng interbensyon ng AMP, kinilala ng DOLE Quezon ang determinasyon ng kooperatiba na gawing mas mataas ang halaga ng lokal na ani sa pamamagitan ng paglinang nito bilang isang value-added enterprise, na lumilikha ng marangal na oportunidad sa trabaho habang tumutugon sa umiiral na hamon sa ekonomiya.
Ang halagang ₱280,050.00 ay gagamitin para sa pagbili ng mahahalagang kagamitan sa produksyon, hilaw na materyales, at iba pang operational inputs na kinakailangan upang mapropesyonalisa at mapalawak ang “El Kapitan Buko Pie Production.” Para sa mga kasapi ng kooperatiba—na ang ilan ay umaasa sa pana-panahon o impormal na pinagkakakitaan—ang proyektong ito ay sumisimbolo ng katatagan sa gitna ng hindi tiyak na panahon.
“Hindi lamang ito tungkol sa kagamitan o puhunan,” pahayag ni Chairperson Leyola sa ginanap na turnover. “Ito ay tungkol sa pagbibigay ng tunay na pagkakataon sa aming mga kasapi na makatayo sa sariling paa. Lubos po kaming nagpapasalamat sa DOLE Quezon sa paniniwala sa aming kakayahang umunlad.”
Ibinahagi rin ni Project Focal Person Mendoza ang kahalagahan ng inklusibong katangian ng inisyatiba. “Sa pamamagitan ng suportang ito, mabibigyan namin ng oportunidad ang aming mga kasapi—mga magulang, kabataang manggagawa, at mga katuwang sa komunidad. Maraming salamat po sa DOLE Quezon. Nagbigay kayo ng panibagong pag-asa.”
Higit pa sa seremonyal na pagpapalabas ng pondo, binigyang-diin ng DOLE Quezon ang patuloy nitong pangako sa monitoring, mentorship, at pagsunod sa mga alituntunin ng programa upang matiyak na ang pampublikong pondo ay nagreresulta sa kongkretong panlipunang epekto. Ang balangkas ng AMP, na nakaugat sa social protection at mga estratehiya sa pagpapanatili ng empleyo, ay nagbibigay-daan sa mga bulnerableng sektor at organisadong grupo na makaangkop, makabangon, at umunlad sa gitna ng pagbabago sa ekonomiya.
Sa pamumuhunan sa mga negosyong pinangungunahan ng komunidad, muling pinagtitibay ng DOLE Quezon na ang pinakamabisang serbisyo publiko ay yaong lumalapit sa tao—pinauunlad ang inisyatiba, pinatitibay ang kolektibo, at ibinabalik ang tiwala sa sama-samang pag-unlad.
Habang umiinit ang mga hurno at unti-unting nahuhubog ang mga unang batch ng “El Kapitan” na buko pie, ang samyo mula sa Ilayang Talim ay hindi lamang tamis ang hatid—ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang pamahalaan at komunidad, ang oportunidad ay hindi lamang inihahain. Ito ay ibinabahagi.





Comments